Pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon, pinamamadali na ng liderato ng Kamara

Alinsunod sa deriktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay pinamamadali na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagbibigay ng nasa ₱40 milyong halaga ng kabuuang tulong sa mga biktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

₱20 million dito ay huhugutin sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development habang ang ₱20 million ay sa ilalim naman ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment.

Bukod dito ay makatatanggap din ng P4 million na halaga ng food packs ang mga biktima ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon mula sa Disaster Assistance Fund ng tanggapan ni Speaker Romualdez.


Diin ni Romualdez, kailangang matulungan agad ang mga residente ng Negros Oriental at Negros Occidental na ang kabuhayan at trabaho ay lubhang apektado ngayon ng pagputok ng bulkan.

Facebook Comments