Karagdagang reklamo vs Mayor Alice Guo, inihahanda na

Magsasampa ng mga karagdagang reklamo ang Presidential Anti-Organized Crime Commission laban sa kontrobersyal na si Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo.

Kaugnay pa rin ito sa sinasabing koneksiyon ng alkalde sa iligal na operasyon ng mga POGO sa kanilang bayan.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, may nakita silang mga paglabag ni Guo kaya kakasuhan ng tax evasion ang alkalde.


Sasampahan din ng kaso ang mga opisyal ng Zun Yuan, Hong Sheng Gaming Technology at Baufo Land Development dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Sinalakay ng mga awtoridad noong Pebrero 2023 ang Hong Sheng noong February 2013 habang nito lamang Marso nang i-raid ang Zun Yuan Technology Inc.

Sa ngayon, nasa ilalim ng preventive suspension ang alkalde habang gumugulong ang imbestigasyon.

Facebook Comments