Pagbibigay ng Tulong sa mga Nasalanta ng Bagyong Rosita sa Cauayan City, Naantala!

Cauayan City, Isabela – Ipinaliwanag ni Mayor Bernard Dy ng lungsod ng Cauayan ang pagkaantala ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyong rosita.

Ayon sa punong lungsod, nagsasagawa pa umano ang pamunuan nito ng pangalawang validation sa mga makakatanggap ng tulong upang masigurado umano na unang mabibigyan ang mga matinding naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Gayunman, sinigurado ni Mayor Dy na mabibigyan naman umano ang lahat ng naapektuha ng bagyong rosita kung saan ang mga naibigay na mula sa city government ay paunang tulong pa lamang dahil sa may mga susunod pa umano na tulong mula naman sa provincial at national government.


Sa ngayon ay patuloy naman umano ang kanilang pag-iikot sa mga barangay sa lungsod upang maibigay ang dalawang libong piso na tulong para sa may mahigit dalawang libong biktima ng bagyong rosita sa buong lungsod ng Cauayan.

Umaasa pa si Mayor Dy na hindi na madadaanan ng bagyo ang lungsod o lalawigan ng Isabela bagamat may inaasahan pang dalawa o tatlong bagong dadaan sa bansa bago matapos ang taong 2018.

Samantala, sa barangay VillaFlor at ilang barangay sa tanap region ang pinakahuling pinasyalan ng mga lokal na opisyal ng lungsod upang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyong rosita noong araw ng Lunes.

Facebook Comments