Pagbibigay ng tulong sa mga OFW sa Libiya, DFA na ang bahala ayon sa Malacañang

 

Hindi pa maglalabas ng anomang direktiba ang Palasyo ng Malacañang sa kung ano ang dapat na gawin ng Pamahalaan patungkol sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga overseas filipino Workers sa Libya.

 

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng pagtataas sa level 4 alert sa libiya kung saan kinakailangan na ng mandatory evacuation ng mga pinoy doon dahil sa tumitinding tensyon sa nasabing bansa.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang department of foreign affairs na ang bahala na gumawa ng mga nararapat na hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga pinoy sa Libya.


Tiniyak din naman ni Panelo na ginagawa ng mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan ang kanilang mga trabaho para mapauwi ng ligtas sa Pilipinas ang mga OFW sa nasabing bansa.

 

Sinabi din ni Panelo na makikipagugnayan siya kina foreign Affairs Secretary Teddy Locsin at kay Labor Secretary Silvestre Bello kung mayroon bang ispssipikong direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila na hindi niya nalalaman.

Facebook Comments