Resulta ng 2018 bar exam, ilalabas na sa biyernes

Ilalabas na ng Korte Suprema sa Mayo a tres ang resulta ng 2018 bar examination

 

Ang anunsyo sa resulta ng bar exam ay kasabay ng gagawing Special En Banc ng Supreme Court, sa Biyernes

 

Si Associate Justice Mariano Del Castillo, Chairperson ng 2018 Supreme Court Committee on Bar Examinations, ang mag-aanunsyo ng resulta sa harap ng gusali ng Korte Suprema sa Padre Faura Street, Ermita, Manila.


 

Pagkatapos ng anunsyo ay makikita din sa mga LED wall  ang mga pangalan ng nakapasang Bar examinees.

 

Sa kabuuan, umabot sa 8,158 Bar examinees na kumuha ng Bar Exam noong Nobyembre.

Facebook Comments