Pagbibigay ng tulong sa mga pribadong eskwelahan, iginiit ng DepEd

Patuloy na magbibigay ng tulong ang Department of Education (DepEd) sa mga pribadong eskwelahang apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nagpaaabot sila ng tulong sa mga private schools lalo na sa mga displaced teachers.

Nahihirapan aniya ang mga pribadong eskwelahan dahil kakaunti ang nag-eenroll at dahil dito ay nahihirapan silang bigyan ng sahod ang kanilang mga guro.


Kumpiyansa ang kalihim na sa unti-unting pagbalik ng ekonomiya, mas maraming mag-aaral ang mag-enroll sa mga private schools.

Pagtitiyak din ni Briones na sinusuportahan nila ang mga pribadong paaralang naghinto ng operasyon ngayong school year.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang tumutugon sa isyu ng mga gurong nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga private schools.

Facebook Comments