Nanawagan si Senior Citizen Partylist Congressman Rodolfo Ordanes sa gobyerno na gawing prayoridad sa pagbibigay tulong ang mga nakakatanda na lubhag naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.
Ayon kay Ordanes, Nakasaad sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 na prayoridad na mabigyang tulong ang mga nakatatanda, partikular na ang mga gamot, pagkain at kanilang mga pangangailangan.
Sinabi ni Ordanes na hindi dapat kalimutan ang mga matatanda lalo na’t isa sila sa mahalagang bahagi ng lipunan na nagbibigay ng gabay sa mga sumunod na henerasyon.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang mambabatas sa Department of Social Welfare and Development at Department of Health para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga senior sa Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon na hinagupit ng Bagyong Rolly.
Una nang sumulat si Ordanes kay Pangulong Duterte para payagan na ring makalabas ang mga ‘senior’ na nasa edad hanggang 70 pagsapit ng Disyembre.