Pagbibigay penalty sa NGCP dahil sa bigong pagsunod sa required power services, inihimok ng isang senador

Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na bigyang parusa ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa pagkabigo nitong sundin ang required power services na sumusuporta sa kanilang sistema.

Partikular na kwinestiyon ni Gatchalian ang ERC sa hindi pagmulta sa NGCP sa kabila ng paglabag ng polisiya at hindi pagsunod sa kontrata.

Magpapatawag naman ng pagdinig ang chair ng Senate Committee on Energy bukas, June 10, upang pag-usapan ang naranasang rotational brownouts sa Luzon nitong nakaraang linggo.


Matatandaan nagkaroon ng Red at Yellow Alerts sa Luzon Grid nitong May 31 hanggang June 2 na sanhi ng rotating power interruptions.

Facebook Comments