Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Election (Comelec) para sa pagbibigay-proteksiyon sa mga election officer sa bansa.
Ito ay matapos masugatan sa pananambang ang isang election officer sa Isabela City nitong Lunes.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, ipinag-utos na niya sa Police Regional Office – 9 (PRO-9) ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente at pagbibigay ng kaukulang proteksiyon sa biktima.
Mas tututukan din ng PNP ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga election officers na nasa mga probinsyang may kasaysayan ng karahasan.
Sa ngayon, tuloy-tuloy na ang paghahanda ng PNP para matiyak ang maayos at mapayapang eleksiyon sa susunod na taon.
Facebook Comments