Pagbibigay pugay kay PNoy, bumuhos mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo

Bumuhos ang pagdadalamhati at pagbibigay pugay mula sa international community ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III.

Matapos mabalitaan ang kanyang pagpanaw, ang mga kinatawan ng United Nations, Estados Unidos, United Kingdom, European Union, France, at Australia ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa social media.

Kinilala rin ng ilang foreign envoy ang kontribusyon ng dating pangulo sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa kanilang bansa.


Ayon kay UN Philippines Resident Coordinator Gustavo Gonzales, nakikiisa sila sa buong Sambayanang Pilipino sa pagluluksa at pag-alala sa kanyang naging kontribusyon sa serbisyo sa bansa.

Para naman kay British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce, labis siyang nalulungkot sa pagpanaw ni PNoy, at ipinapaabot niya ang kanyang pakikiramay sa kanyang mga mahal sa buhay at sa mga Pilipino.

Maging ang embahada ng France ay nagpaabot din ng taimtim na simpatya sa bawat Pilipino, maging sa pamilya at kaibigan ng dating Pangulo.

Sa tweet, sinabi nila na si PNoy ay nag-iwan ng “legacy of leadership”.

Inalala naman ng Euopean Union si dating Pangulong Aquino bilang ‘kaibigan’

Si Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson ay ginunita ang State Visit ni PNoy sa kanilang bansa noong 2012 at ibinahagi ang legacy ng partnership at bayanihan.

Facebook Comments