Pagbibilang ng boto sa Myanmar, sinimulan na; State Counselor Aung San Suu Kyi, inaasahan na muling mananalo

Sinimulan na ng Union Election Commission (UEC) ang pagbibilang ng boto kung saan inaaasahan ng marami na muling mananalo si Aung San Suu Kyi bilang State Counselor ng Myanmar.

Bukod dito, inaasahan din na muling mauupo bilang Presidente ng Myanmar si Win Myint habang umaasa rin ang partido ni Suu Kyi ng National League for Democracy (NLD) ng landslide sa katatapos lang na botohan.

Sa kasalukuyan, nasa 18 seats o pwesto na ang nakuha ng partido ni Suu Kyi na nakilala bilang isa sa mga global icon at Nobel Peace Prize winner dahil sa hindi marahas na hakbang nito para ipaglaban ang karapatang pantao at makamit ang demokrasya sa Myanmar.


Facebook Comments