Pagbibitiw ng ilan sa mga miyembro ng gabinete ni PBBM, maituturing na ‘birthing pains’ ng administrasyon

Tinawag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na “birthing pains” ng administrasyong Marcos ang magkakasunod na pagbibitiw sa pwesto nila dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at dating Commission on Audit (COA) Chairman Jose Calida.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Zubiri na maituturing na ‘baby steps’ ng isang nagsisimulang pamahalaan ang mga pagbabago sa gabinete nito.

Aniya pa, ‘prerogative’ pa rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kaniyang mga itatalaga sa posisyon.


Nagpaliwanag naman si Zubiri nang matanong ng media kung bakit hindi naisalang ng Commission on Appointments (CA) sina Angeles at Calida.

Tugon ni Zubiri, maaaring nagkataon lang ang nangyaring pagbibitiw ni Angeles sa kakulangan sa panahon ng CA at posibleng hindi pa kumpleto ang mga dokumentong isinumite ng nagbitiw na Press Secretary kaya hindi ito natalakay.

Samantala, si Calida naman ay una nang nakausap noon ni Zubiri at tiniyak na ibibigay ang buong kooperasyon ng CA ngunit nang isasalang na ito para sa confirmation hearing ay sinabi naman sa kanya na naka-health leave ang opisyal dahilan kaya hindi na rin natuloy ang pagharap nito sa Commission.

Facebook Comments