Pagbibitiw ni COMELEC Chair Andres Bautista, pinalutang sa pagdinig ng Kamara

Manila, Philippines – Hindi na nakadalo sa pagdinig ng pagpapaliban ng Barangay at SK Election ngayong taon si COMELEC Commissioner Andres Bautista.

Sa pagdinig House Committee on Electoral Reforms, sinabi ni Comelec Commissioner Arthur Lim na may mangyayaring development kay Bautista sa mga susunod na araw at ito na lamang ang abangan.

Pero tatlo anya ang pwedeng mangyari kung saan una ay maaaring ituloy ni Bautista ang function bilang Comelec Chairman, ikalawa, pwedeng mag leave of absence ito at ikatlo ay ang tuluyang pagbibitiw.


Nilinaw ni Lim na anuman ang development ay hindi siya privy kung ano ito at wala siya sa posisyon para magsabi nito.

Pero iginiit ni Lim na sa ngayon, kahit balot ng kontrobersiya ang kanilang Chairman, work as usual sa COMELEC bagamat aminado siyang naaapektuhan din ang kanilang komisyon.

Facebook Comments