Pagbibitiw ni Magalong Bilang ICI adviser, hindi hiniling ni PBBM

Nilinaw ng Malacañang na hindi hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang tanging hiningi ng palasyo ay paliwanag sa posibleng conflict of interest sa sabay na tungkulin ni Magalong bilang alkalde at imbestigador ng komisyon.

Dagdag pa ni Castro, hindi rin totoo na iniugnay niya si Magalong sa anomalya sa kontrobersyal na tennis court project.

Giit ng opisyal, hindi siya pinagbintangang sangkot sa katiwalian at wala umanong dapat sabihing “below the belt” laban sa kaniya.

Facebook Comments