Tama ang ginawang pagbibitiw sa pwesto ni Philippine Military Academy head Lt. Gen. Ronnie Evangelista
Sa statement ng Palasyo, itinuturing nilang welcome development ang ginawang resignation ni Evangelista upang mapanatili ang integridad ng PMA na kilala sa bansa bilang premier military institution.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maituturing ding out of delicadeza ang ginawang pagbibitiw sa pwesto ni Evangelista.
Samantala, tiniyak ng Palasyo na tuloy-tuloy ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente kung saan nagresulta ito sa pagkamatay ni Cadet fourth class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Tiniyak din ng Malakanyang na walang magaganap na whitewash sa imbestigasyon at papanagutin ang mga nasa likod ng pagkamatay ni Dormitorio.