Palasyo, nakisimpatya sa nangyaring pagguho ng isang hotel sa Maynila kung saan 2 ang nasawi

Ikinalungkot ng Palasyo ang nangyaring pagguho ng portion ng Sogo Hotel sa Maynila kahapon na nagresulta sa pagkamatay ng 2 nitong empleyado.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo, iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon.

Partikular na inatasan ng MalakaƱang ang mga concerned agencies na makipag-ugnayan sa City government ng Manila at Manila City Engineering Office para sa pagsasagawa ng imbestigasyon.


Kasunod nito, pinuri ng Palasyo ang maagap na pagresponde ni Manila Mayor Isko Moreno sa crash site.

Matatandaang ipinag-utos ni Moreno ang pagsasara sa nasabing hotel matapos mapag-alamang tumatanggap pa rin sila ng mga bisita sa kabila ng pag-collapse o pagguho ng isang portion ng hotel.

Facebook Comments