Pagbibitiw ni Rep. Co, hindi sapat para kay Rep. Tiangco

Para kay Navotas Representative Toby Tiangco, hindi sapat na magbitiw lamang bilang miyembro ng Kamara si dating Congressman Elizaldy Co dahil ang dapat ay umuwi ito sa Pilipinas at sagutin lahat ng mga paratang sa kanya.

Ayon kay Tiangco, hindi rin tama na si Co ang magdidikta kung kailan siya uuwi sa ating bansa.

Ipinunto ni Tiangco na iniimbestigahan na ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) si Co kaya kailangan nitong umuwi at harapin ang mga akusasyon na mayroon siyang 20 to 25% na kickback sa mga proyekto.

Giit ni Tiangco, ang pagbibitiw at patuloy na pagtatago sa abroad ni Co ay pag-insulto sa ating mga institusyon at sa mamamayang Pilipino.

Dagdag pa ni Tiangco, ito ay nagpapakita din na guilty si Co sa mga kinakaharap na alegasyon kaugnay sa budget insertions at korapsyon sa flood control projects.

Facebook Comments