Pagbibitiw sa pwesto ng ilang opisyal ng PhilHealth, welcome kay Senator Panfilo Lacson; pagkakadawit sa 10.6 bilyong pisong diverted funds ng ahensya, tinawag na big joke ni dating Health Sec. Janette Garin

79

Welcome para kay Senator Panfilo Lacson ang pagbibitiw sa pwesto ni Philippine Health Insurance Corporaton (PhilHealth) Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo del Rosario Jr.

Isa si Del Rosario sa mga iniimbestigahan ng Senado kaugnay sa korapsiyon sa PhilHealth.

Samantala, tinawag na “big joke” ni dating Department of Health (DOH) Sec. at ngayon ay Iloilo City Rep. Janette Garin ang pagkakadawit sa kaniya ng Senate Blue Ribbon Committee sa diverted funds na nagkakahalaga ng 10.6 bilyong piso noong 2015.

Nakakapagtaka kasi aniya na ngayon lang inilalabas ng Senado at Ombudsman ang mga kalokohan sa PhilHealth na dapat ay sa imbestigasyon pa lamang ng Wellmed Dialysis Controversy ibinunyag.

Facebook Comments