Pagbibitiw sa tungkulin ni Comelec Chairman Andres Bautista, hindi na kailangang isangguni sa Comelec en banc

Manila, Philippines – Nilinaw ng nagbitiw na Comelec Chairman Andres Bautista na hindi na kailangang pang magpaalam sa Comelec En banc sa kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil hindi naman siya Officer-In Charge.

Ayon kay Bautista sumulat siya kay pangulong Duterte na hanggang December 31 taong kasalukuyan nalamang ang kanyang panununkulan sa Comelec.

Paliwanag ni Bautista dahil sa pamilya kaya siya ay naghain ng resignation letter sa pangulo.


Giit ng nagbitiw na Comelec Chairman na kung natuloy lang sana ang SK at Brgy. Election malamang ay hindi siya magbibitiw sa tungkulin.

Dagdag pa ni Bautista na marami pang magagamit sa 7.6 bilyong piso ang budget ng Comelec dahil ang nagastos lamang nila ay 900 milyon piso.

Payo ng opisyal sa magiging Comelec Chairman na kailangan pasensiya at pagpupunyagi.

Facebook Comments