Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, abot na sa 3,749 mga dating rebelde at kanilang pamilya ang natulungan ng ahensya.
Ito’y sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng pamahalaan tulad ng Sustainable Livelihood Program, Assistance to Individuals in Crisis Situations, Psychosocial Interventions at iba pang Protective Services, at Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Bukod dito may 226,511 households sa Conflict-Affected and Vulnerable Areas (CVAs) ang nakatanggap din ng tulong na nakadirekta sa mga komunidad.
Isa pa sa commitment ng DSWD sa pagpapatupad ng Executive Order No. 70 para matiyak na Gender at Culture sensitive ang mga existing na programa at proyekto ng pamahalaan.
Bukod sa mga probisyon sa ilalim ng EO No. 70, ipinatutupad din ng Kagawaran ang Livelihood and Reintegration program para sa mga Kapatiran member.