MANILA – Inaabangan na masilayan ang “Supermoon” sa mas maraming lugar sa Pilipinas mamayang gabi.Ayon sa PAGASA, malaki ang tiyansang makita ng malinaw ang buwan dahil walang bagyo o Low Pressure Area na umiiral ngayon.Ang supermoon ay pambihirang pagkakataon kung saan mamamasdan ang buwan ng mas malapit sa mundo.Sinabi ni Engr. Dario Dela Cruz, ang chief ng space sciences and astronomy section, matutunghayan ang pinakamalapit na lokasyon ng buwan sa ganap na alas-7:21 ng gabi.Huling naitala ang supermoon 68 taon na ang nakaraan o noong Enero 26, 1948.Mauulit naman ang phenomenon sa darating na 2034.
Facebook Comments