Pagbili ng ₱2.4-B halaga ng mga laptops para sa DepEd noong 2021 pinaiimbestigahan ng Procurement service ng DBM

Inutos ni Department of Budget Management (DBM) -Procurement Service Chief Dennis Santiago ang imbestigasyon sa umanoy outdated at mahal na presyo ng biniling laptops para sa Department of Education (DepEd) na nagkakahalaga ng ₱2.4-B noong 2021.

Ayon kay Santiago, kailangang maimbestigahan kung magkano talaga ang presyo ng mga biniling laptops, maging ang techinical specifications ng mga ito.

Sinabi ng opisyal na kapag napatunayan na may paglabag sa law and procurement rules, hindi raw ito kukunsitihin ng kanyang tanggapan.


Malinaw daw kasi ang kanilang mandato ang Siguruhin na transparent at competitive ang mga proseso sa Procurement Service (PS) -DBM, at gawin ang nararapat na hakbang para maiwasan ang iregularidad sa procurement, at tiyaking maayos at matuwid ang pagbili.

Batay kasi sa report ng Commision on Audit na dahil sa pagbili ng mga mahahaling laptops hindi nabigyan ng laptops o nakabenepisyo ang 28,000 na mga guro.

Target sana ang gobyerno na mabili ang 68,500 laptops para sa DepEd pero dahil ang bawat presyo ng biniling laptop ay 58,300 pesos kaya umabot lang sa 39,583 units ang nabili.

Facebook Comments