Dating police officer na lider ng isang gun-for-hire group, arestado

476

Nasakote ng mga awtoridad ang isang dating police officer na sinasabing lider ng notoryus na Magpali gun-for-hire Criminal Group.

Ang nasabing grupo ay nag ooperate sa La Union at Region 1 kung saan target nito ang mga high profile politicians.

Sa ulat na nakarating sa kampo krame naaresto ang suspek na kinilalang si dismissed PLt.Col. Wilson Magpali sa Pangasinan kahapon.


Ayon kay PNP Chief, P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., inaresto ng mga operatiba ng Luzon Field Unit ng Philippine National Police (PNP) Integrity Monitoring and Enforcement Group si Magpali sa bisa narin ng warrant of arrest dahil sa kinakaharap nitong kasong murder.

Narekober dito ang isang Caliber 9mm Berreta Pistol na mayruon pang PNP property markings at 3 Magazines na may live ammunitions.

Sa ngayon, ituturn over ang dating pulis sa korte para kaharapin ang kasong kanyang kinasasangkutan.



Facebook Comments