Pagbili ng bakuna kontra ASF, pinatututukan sa DA

Pinatututukan ng grupong Laban Konsyumer sa gobyerno ang pagbili ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) sa harap ng epekto nito sa suplay ng mga produktong baboy sa bansa.

Ayon kay Atty. Vic Dimagiba, sa halip na magsagawa ng kung ano-anong trial, bumili na lang ng bakuna na available na sa ASEAN region.

Inihalimbawa niya ang Vietnam at Thailand na mayroon nang bakuna kontra ASF.


Matatandaang bumuo ng research team ang Department of Agriculture (DA) para pag-aralan ang bisa ng Ivermectin kontra ASF.

Facebook Comments