Pagbili ng DOH ng Remdesivir, malaking pag-aaksaya lamang sa pera ayon sa isang mababatas

Mag-aaksaya lamang ang Department of Health (DOH) ng pera sa kanilang planong pagbili ng ₱1 billion na halaga ng antiviral drug na Remdesivir bilang gamot sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni House Deputy Speaker at BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza na kahit ang World Health Organization (WHO) nga ay walang sinasabi na nakakagamot ito ng mga COVID-19 patients.

Paliwanag pa ni Atienza, limitado na nga lamang ang pera natin sa pagtugon sa COVID-19 ay sasayangin pa ito sa gamot na walang katiyakan na talagang nakatutulong.


Samantala, sinabi pa ni Atienza na tila nagkakaroon ng double standard ang DOH sa pag-promote ng pag-gamit ng Remdesivir habang binabalewala ang iba pang potensiyal at mas murang gamot kagaya ng Ivermectin.

Facebook Comments