Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko hinggil sa mga nagbebenta ng mga gamot via on-line.
Ayon SA FDA, marami na silang natatanggap na reklamo mula sa ilang consumers at netizen kaugnay ng pagbebenta sa internet ng antibiotic at steroids na pawang kailangan ng reseta.
Nabatid na ipinagbabawal ang pagbibili at pagbebenta ng gamot via on-line dahil hindi nalalaman kung ano ang mga sangkap nito.
Dapat din alamin kung saan at sino ang manufacturer ng mga gamot maging ang pharmacist nito lalo na at nalalagay sa panganib ang mga iinom nito.
Sa ngayon, ipapatawag ng FDA ang mga on-line seller ng mga nasabing gamot na kanilang na-monitor.
Facebook Comments