Pagbili ng karneng baboy sa bansa, ipinatitigil

Ipinatitigil ng mga grupo ng meat manufacturer ang pagbili ng karneng baboy sa bansa.

Ito ay kasunod ng ilang local processed pork product na nagpositibo sa African swine fever (ASF).

Ayon kay Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) spokesperson Rex Agarrado – mayroon pa ring mga trader na mananamantala sa sitwasyon at magbenta ng mga baboy na tinamaan ng ASF.


Pinalagan naman ito ni National Federation of Hog Farmers President Chester Tan.

Aniya, tinatakot lamang ng PAMPI ang publiko sa pagbili ng karneng baboy.

Sinabi naman ni National Federation of Hog Farmers Vice President Alfred Ng – imposible ring makabili ng local pork ang PAMPI.

Tiniyak naman ni Agriculture Secretary William Dar na walang lulusot na ASF-contaminated products.

Babala ng hog raisers, higit isang bilyong piso ang mawawala sa hog industry kung ihihinto ng PAMPI ang pagbili ng local pork.

Facebook Comments