Pagbili ng medical supplies ng gobyerno, exempted sa ilalim ng Bayanihan 1

Muling dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng kaniyang administrasyon ng medical supplies na ginamit ng bansa laban sa COVID-19.

Ayon kay Pangulong Duterte, bago pa ang unang bersiyon ng Bayanihan to Heal as One Act or Bayanihan 1 na ipinatupad noong March 2020, maituturing nang valid ang pagbili ng medical supplies ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Nilagdaan ang Bayanihan 1 noong March 25, 2020 na epektibo sa loob ng tatlong buwan o hanggang June 24.


Sa kaparehong taon din nabigyan ng karagdagang kapangyarihan si Pangulong Duterte na rumespode sa pandemya tulad ng pagre-align sa 2020 national budget.

Sa ngayon, giit ng pangulo na tanging ang mga emergency form sa ilalim ng Bayanihan 1 ang sinunod ng gobyerno kaya maituturing itong exempted para sa pagbili ng kinakailangang suplay.

Facebook Comments