Pinapaimbestigahan ng Bayan Muna sa Kamara ang overpriced na generation rates na ibinayad ng Meralco sa Quezon Power Philippine, Ltd (QPPL).
Base sa House Resolution 1350 na inihain nila Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, sa kabila ng pagbaba ng coal prices sa 28% nitong Enero 2020 ay nagbayad pa rin ang Meralco ng P28 per kWh sa QPPL ng kanilang generation rates kahit pa nagdeklara ng “force majeure” ang ilang independent power producers (IPPs) dahil sa pandemya.
Ang ibinayad naman ng Meralco sa QPPL ay binawi naman sa electric bills ng consumers.
Nito ring Enero ay tumaas ang rate ng QPPL sa P6.5919 per kWh sa P6.723 per kWh at mas mataas ng 51% hanggang 82% ang ibinayad dito ng Meralco ngayong taon.
Hindi rin hamak na mas mataas ang generation rate ng QPPL kumpara sa ibang coal power suppliers ng Meralco.
Mula 2000 hanggang sa taong kasalukuyan, pinakamahal na coal power sa buong bansa ang QPPL na 9% hanggang 12% na mas mataas ang rate kumpara sa ibang coal plants.