Pagbili ng mga LGUs ng COVID-19 vaccine, may legal na basehan

Pinuri ni Committee on Local Government Chairman Senator Francis Tolentino ang pahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Government Units o LGUs na bumili ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng tripartite agreement sa pagitan ng mga LGUs, national government at pharmaceutical company.

Ayon kay Tolentino, matitiyak nito na mababakunahan din ang mga Pilipino na hindi kasama sa listahan ng mga prayoridad ng national government sa vaccination program laban sa COVID-19.

Diin ni Tolentino, may legal na basehan ang plano at paglalaan ng pondo ng LGUs para pambili ng bakuna.


Ipinaliwanag ni Tolentino na binibigyan ng kapangyarihan ng Local Government Code ang mga mga LGUs na magkaloob ng basic health services sa kanilang nasasakupan basta ito ay naaayon sa standards at criteria na itinakda ng Department of Health (DOH).

Una rito ay inihayag ng Metro Manila Mayors ang kanilang plano at inilaang pondo na pambili ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga constituents.

Facebook Comments