MANILA – Nilinaw ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na tuloy pa rin ang pagbili nila ng mga baril sa Amerika.Sa presscon sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Dela Rosa na nagpadala ng sulat ang mismong manufacturer ng mga bibilhing assualt rifles na sig sauer at sinabing umuusad pa rin ang pagpo-proseso ng lisensya para sa naturang transaksyon.Ang sulat ay bunga ng report ng International News Agency na Reuters na posibleng harangin sa US Senate ang pagpo-poroseso ng lisensya sa pagbili ng assault rifles kasunod ng umano’y human rights violations sa Pilipinas.Kasabay nito, hindi naman maiwasang sisihin ni Dela Rosa ang mga local at international media dahil hindi aniya patas ang pagbabalita sa war on drugs kaya sumasama ang imahe ng Pilipinas.Kaugnay nito, nakiusap ang PNP Chief sa mga US Senators na huwag basta-basta tumanggap ng ulat mula sa mga aniya’y bias na media outlets.Samantala, sa susunod na taon inaasahan ang delivery ng sig M400 rifles sa bansa.
Pagbili Ng Mga Matataas Na Kalibre Ng Armas Sa Amerika, Tuloy Pa Rin Ayon Kay Pnp Chief Ronald Dela Rosa
Facebook Comments