Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bigyang katwiran ang pagbili ng P1.269 milyong halaga ng mga hygiene products sa isang construction store at trading company.
Sa ulat, kinuwestyon ng COA ang pagbili ng isang OWWA deputy administrator ng mga hygiene kits sa MRCJP Construction sa Pasay City gayong may [Mercury] drugstore naman sa bisinidad ng OWWA.
Sinita rin nito ang pagbili ng OWWA ng mga napkin at thermal scanners na napakamahal kumpara sa presyo sa online at sari-sari store.
Samantala, sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na inatasan na niya si Deputy Administrator Faustino Sabarez III na agad magsumite ng paliwanag sa COA.
Pero giit niya, ang nasabing isolated transaction ay .001% lamang ng halos P9 bilyong na-audit ng COA Unqualified Opinion.