Pagbili ng PPA ng mamahaling gadget na isiningit sa mga infra projects, pinuna ng COA

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Ports Authority (PPA) dahil sa pagbili ng mga office equipment, furnitures, computer, computer software at mamahaling electronic gadgets na nagkakahalaga ng ₱18 milyon.

Sa audit report ng COA, taong 2021 at 2022 ay isinama ng PPA ang desktop computer, laptops, camera, speakers at iba pa bilang bahagi ng kontrata sa dredging at infrastructure projects.

Aabot sa 19 na kontrata na ini-award noong nakalipas na taon na kabibilangan ng mamahaling cellphone at tablets.


Sabi ng COA, hindi ito dapat isinama ng PPA bilang reimbursable items sa infra projects.

Giit ng COA na labis-labis at hindi kinakailangan ang ginawang ito ng PPA dahil lolobo lang ang halaga ng proyekto at magkakaroon ng oversupply ng mga kagamitan.

Sinabihan ng COA ang PPA na ihinto ang pagsasama ng mga nabanggit na mamahaling gadgets sa infrastracture project at atasan ang mga contractor na huwag isama ang mga ito sa contract cost ng proyekto.

Kaugnay nito, hindi rin pinalampas ng COA ang 166 na sasakyan ng PPA na nagkakahalaga ng ₱219.8 million.

Ito ay dahil hindi rehistrado ang mga ito, walang plaka at walang official markings ng ahensya.

Nagbabala ang COA na ang pagkakaroon ng mga hindi rehistradong sasakyan ay maituturing na unauthorized use of government vehicles.

Facebook Comments