Nagpaalala ang Dept. of Trade and Industry (DTI) na dekalidad na Christmas lights ang mga bibilhin ngayong nalalapit na ang Pasko.
Ayon kay DTI Bureau of Philippine Standards OIC Niel Catajay, hindi dapat binibili ang mga substandard na mga pailaw.
Kung mababa kasi ang mga kalidad nito ay maaaring pagmulan ng disgrasya gaya ng sunog.
Payo ng mga awtoridad, ugaliing hanapin ang Philippine Standard o PS mark o ang Import Commodity Clearance o ICC Sticker, senyales na dumaan ang mga produkto sa product testing.
May mga hakbang na rin ang DTI para mas mapaganda pa ang features ng PS mark.
Facebook Comments