Pagbilis ng inflation rate sa bansa, inaasahan na ng Malakanyang

Inihayag ng Malakanyang na inaasahan na nila ang pagtaas ng inflation rate sa bansa

Ito ang inihayag ni Press Scretary Trixie Cruz-Angeles matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 6.4% na inflation rate nitong Hulyo.

Ayon kay Cruz-Angeles, isa sa mga naging malaking epekto sa bansa ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at maging ang nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19.


Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang unang State of the Nations Address (SONA) na hindi maiiwasan ang pagbilis ng inflation dahil sa mataas ng presyo ng langis at pangunahing mga bilihin.

Facebook Comments