Outgoing AFP Chief of Staff Gen. Centino, dumalaw sa burol ni dating Pangulong Ramos

63

Nagbigay ng pagpupugay at respeto si outgoing AFP Chief of Staff General Andres Centino kay yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Si Centino ay dumalaw kanina sa lamay ng dating pangulo sa Heritage Park sa Taguig City.

Kasama ni Gen. Centino si Philippine Navy Flag Officer-In-Command Vice Admiral Adeluis Bordado kung saan nagbigay sila ng snappy salute kay Ramos, na isang lider na naglingkod sa sambayanang Filipino maging sa Armed Forces of the Philippines.


Nabatid na gagawaran ng AFP ng full military honors ang dating punong Ehekutibo sa kanyang libing sa Martes, August 9 sa Libingan ng mga Bayani.

Facebook Comments