Pagbisita ng barkong pandigma ng Amerika sa Pilipinas, senyales ng magandang relasyon

Nanatili ang magandang samahan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na bumisita sa bansa ang combat ship ng Amerika na United States Ship (USS) Charleston.

Ayon kay Lorenzana, ang pagbisita sa bansa ng barkong ito ay bahagi ng international commitment ng Pilipinas at Amerika at goodwill sa iba pang mga bansa.


Aniya, dahil sa commitment na ito, nanatiling bukas ang Pilipinas sa pagpasok ng mga barko at aircraft ng US sa bansa para magsagawa ng routine visits at port calls.

Una nang sinabi ni United States (US) 7th Fleet Commander Vice Admiral (VADM) Karl Thomas na ang pagbisita ng USS Charleston sa bansa ay magpapalakas sa seguridad at katatagan ng Pilipinas lalo na ngayong humaharap ang Pilipinas sa maritime dispute sa West Philippine Sea (WPS).

Ang USS Charleston ay bahagi ng US 7th Fleet na nakabase sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture sa Japan at siyang pinakamalaking Navy fleet sa labas ng Amerika na may 50 watercraft at 150 aircraft.

Facebook Comments