Pagbisita ni PBBM sa Misamis Occidental, kinansela dahil sa walang tigil na pag-ulan

Hindi na muna itinuloy ang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos at kaniyang delegasyon sa Oroquieta City, Misamis Occidental ngayong araw.

Ito ay dahil sa walang patid na pag-ulan sa lugar dahil sa low-pressure area (LPA) na nakakaapekto sa buong Mindanao.

Ang pangulo ay bumiyahe mula Maynila at lumapag sa Ozamis Airport kaninang umaga para sana bisitahin ang mga residenteng tinamaan ng kalamidad noong Pasko partikular ang pagbaha at landslide dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Oroquieta City, Misamis Occidental.


Sa ngayon wala pang update mula sa Presidential Communication Office kung saan dumeretso ang pangulo at delegasyon sa Mindanao dahil walang tigil na pag-ulan doon.

Mahirap din ang komunikasyon sa kasalukuyan dahil sa sama ng panahon.

Facebook Comments