Mga Pinoy na may dual citizenship sa US, hinihimok na rin na lumahok sa overseas voting registration

Hinihimok na rin ng Philippine Consulate sa San Francisco, California ang mga Pilipino doon na may dual citizenship na lumahok na rin sa overseas voting registration.

Ito ay bilang paghahanda sa 2025 National Elections kung saan nagpapatuloy ngayon ang registration sa Philippine Posts sa iba’t ibang bansa.

Kaugnay nito, personal na nagtungo sa Konsulada ng Pilipinas sa San Francisco si Commission on Elections Commissioner Ernesto Maceda Jr., para pag-usapan ang ongoing overseas voting registration doon.


Tinalakay rin nila ni Consul General Neil Ferrer ang mga plano sa pakikipag-ugnayan sa Filipino community doon para mahimok silang magpatala.

Facebook Comments