Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Pangasinan Police Provincial office sa nakatakdang pagbisita ni PNP chief General Guillermo Eleazar sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Police Major Arturo Melchor nakakadagdag ng morale sa hanay ng PNP ang pagbisita ng pinakamataas na opisyal ng pambansang kapulisan.
Sa katunayan aniya ay abala na sila sa paghahanda kung saan ay umaasa ito na magkakaroon ng positibong epekto ito sa buong pwersa ng PNP Pangasinan lalo na sa mga pangangailan ng mga kapulisan.
Maliban sa pangasinan nakatakda ding bisitahin ni General Eleazar ang iba pang lalawigan sa buong Ilocos Region.
Facebook Comments