Pagbisita ni PNP Chief Marbil sa mga kampo ng pulisya, hindi nangangahulugang pagsasagawa ng loyalty check

Tahasang pinabulaanan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na nagsasagawa sila ng loyalty check kung kaya’t panay ang ikot ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga kampo ng pulisya sa buong bansa.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, ang pag-iikot ni Marbil ay normal lamang kapag bago ang pinuno ng Pambansang Pulisya.

Ani Fajardo, layon ng command visit na malaman kung ano ang ginagawa ng mga pulis at para kausapin ang mga ito upang bigyang direktiba.


Wala aniyang rason para magsagawa ng loyalty check ang liderato ng PNP dahil nananatiling high morale ang mga pulis.

Giit pa nito, mananatiling apolitical ang PNP at patuloy na susundin ang mandato ng konstitusyon.

Kasunod nito, muling sinabi ni Fajardo na wala silang namo-monitor na anumang banta ng destabilisasyon sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments