Pagbisita ni US President Donald Trump, mabuti para sa Pilipinas ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong RodrigoDuterte, na magbebenipisyo ang gobyerno kapag dumalaw sa bansa si US PresidentDonald Trump.
 
Ito ang sinabi ng pangulo matapos matanggap ang ulat natutungo si Trump sa bansa para sa asean summit sa Nobyembre.
  
Una nang sinabi ni Ambassador Marciano Paynor Jr.,Director-General for Operations of the ASEAN 2017 National Organizing Council,na nagpahayag na ng kahandaan si Trump na dumalo sa ASEAN dialogue partnermeeting sa bansa.
 
Samantala, nakatakdang bumisita sa bansa sina IndonesianPresident Joko Widodo at Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei ngayong buwan.
 
Layunin ng pagbisita ng dalawang opisyal angmakipagdayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Magaganap ang bilateral meeting sa sidelines ng ASEAN sa April26 hanggang 29 kung saan inaasahang magiging tampok sa pag-uusap ng mga opisyalang usapin ng seguridad sa mga sea lanes sa pagitan ng tatlong bansa.

Facebook Comments