Pagbisita ni US VP Harris, nagpatibay sa ugnayan ng Pilipinas at Amerika

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na ang pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris ay tiyak magpapaigting sa matagal nang pagkakaibigan at alyansa ng Pilipinas at Amerika sa larangan ng seguridad at ekonomiya.

Positibo si Romualdez na ang pulong ni Harris at Pangulong Bongbong Marcos ay magpapalakas sa PH-US bilateral alliance.

Kumpiyansa rin si Romualdez na maglalatag si Pangulong Marcos ng panibagong security arrangements sa Washington para maisulong ang ating pambansang interest sang-ayon sa ating foreign policy na maging kaibigan ng lahat ng bansa.


Dagdag pa ni Romualdez, bukod sa defense and security cooperation ay mapapag-ibayo rin ng pagbisita ni Harris ang economic and trade partnership sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Tinukoy pa ni Romualdez ang naging pahayag ng White House na committed ang US sa pagpapatibay ng economic and investment relationship nito sa ating bansa.

Facebook Comments