Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng delivery ng nasa 15,000 na baboy kada linggo sa Metro Manila sa loob ng dalawang buwan para mapatatag ang presyo nito sa merkado.
Sa Memorandum Order 14 series of 2021 na inisyu ni Agriculture Secretary William Dar, binubuo ang general implementing guidelines para sa procurement ng mga baboy mula February 8 hanggang April 8, 2021.
Ang mga baboy ay magmumula sa eligible local producers sa pamamagitan ng negotiated procurement na pinangasiwaan ng DA regional field offices.
Nagbabala naman ang DA sa publiko sa pagbili ng frozen meat products na hindi maayos na nakaimbak sa mga palengke.
Batay sa Administrative Order no. 6, series of 2012 – ipinagbabawal ang pag-display o pagbenta ng frozen products sa public markets na walang proper refrigeration facilities.