Epektibo nitong Pebrero 1, ipinagbawal na ng provincial government ng Romblon ang pagbiyahe ng live hogs o buhay na baboy palabas ng lalawigan sa gitna ng patuloy na banta ng African Swine Fever (ASF).
Batay sa Executive Order No. 2 Series of 2021 na pinirmahan ni Gov. Jose Riano, layon nitong matugunan ang demand ng pork at live hogs sa Romblon.
Makatutulong din ang kautusan para ma-regulate ang presyo ng karneng baboy sa harap ng mataas na demand para dito.
Tatagal ang ban nang anim na buwan.
Papayagan naman ang mga may breeder farm sa Romblon na accredited ng Bureau of Animal Industry (BAI) na magbiyahe ng breeder pigs sa ibang panig ng bansa basta’t pinayagan ng Provincial Veterinary Office (PVO).
Facebook Comments