Pagbiyahe ng mga DepEd personnel sa ibang bansa, ipinagbawal dahil sa COVID-19

Pinagbabawalan muna ang mga kawani ng Department of Education o DepEd na magbiyahe sa ibang bansa, lalo nasa mga bansang apektado ng Corona Virus Disease 2019 o COVID-19.

Ito ang bagong ipinatutupad na kautusan ng DepEd matapos nitong ibaba ang ika-apat na Memoradum kaugnay sa paglaban kontra sa nasabing virus.

Nakasaad sa kautusan kahit personal o pribadong biyahe sa ibang bansa ay ipinagbabawal din at nakapaloob din dito ang mga bansang bawal puntahan kabilang na dito ang bansang China, South Korea at iba pang bansa na apektado ng COVID-19.


Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, tanging may aprubadong travel order lang na mga DepEd personnel ang pwdeng bumiyahe sa ibang bansa.

Aniya, maaaring mabigyan ng kaparusahan ang sino man lalabag na manggagawa ng DepEd sa nasabing kautusan.

Facebook Comments