Misa para sa agarang pagaling ng mga opisyal ng PNP na nasugatan sa helicopter crash, gagawing araw-araw na sa Camp Crame

Tuloy tuloy ang prayer vigil ng mga pulis sa Camp Crame.

Ito’y hanggat hindi pa tuluyang gumagaling ang mga opisyal ng Philippine National Police o PNP na nasugatan sa helicopter crash sa Laguna kahapon.

Sa schedule na ipinalabas ng PNP Chaplain Service, isasama na sa regular mass ang paglalaan ng minuto ng panalangin para kay PNP Chief Archie Gamboa at 7 iba pa.


Ginagawa ang unang misa sa St. Joseph Chapel ng alas 6:30 ng umaga, alas 12:15 ng tanghali at alas 5:15 ng hapon.

Samantala, bukod sa misa sa St. Joseph, may hiwalay din na prayer activity ang mga unit sa Camp Crame gaya na lang sa ginawa ng Directorate for Information Communication and Technology Management kanina.

Napagalamang bagama’t maayos na at ligtas na sa kahapamakan si Gamboa at 5 iba pa, nanatili namang kritikal ang Director for Comptrollership na si Mgen Jose Victor Ramos at Director for Intelligence Mgen Mariel Magaway.

Facebook Comments