Pagbiyahe ng mga motorsiklo bilang public transportation services, isinulong ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang mga mambabatas na nagsusulong ngayon ng “motorcycle taxi”.

Ayon kay Cong. Lito Atienza – maghahain sila ng resolusyon para hikayatin ang Department of Transportation (DOTr) na payagang makabiyahe ang mga motorsiklo bilang public transportation services.

Ayon naman sa DOTr, kailangang amiyendahan ang land transportation and traffic code para legal na payagang makapamasada ang mga motorsiklo.


Pero giit ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection – hindi na makakahintay ng batas ang problema ng traffic sa Metro Manila.

Noong Lunes, nauna nang naghain si Cong. Ruffy Biazon sa Kamara ng panukalang magsasalegal sa “motorcycle for hire services”.

Habang hiniling din ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo sa DOTr na payagang magsagawa ng nationwide pilot run ang Angkas.

Facebook Comments