PAGBIYAHE NG MODERNIZED JEEPNEY SA ASINGAN, ASAHAN UMANO SA BUWAN NG NOBYEMBRE NGAYONG TAON

ASINGAN, PANGASINAN – Aarangkada na sa bayan ng Asingan ang mga modernong jeep sa darating na buwan ng Nobyembre na tiniyak naman makakatulong sa mga commuters dahil sa bawas ang ibinubugang polusyon, ito ang pagtitiyak ng Department of Transportation o DOTr.

Kamakailan ay sinimulan nang inspeksyunin ng mga tsuper ng Asingan Jeepney Operators & Drivers Association o AJODA ang dumating na Demo Unit ng gagamitin na modernized jeep.

Ang consolidated umano ng LTFRB ah seventy units, at sa ngayon ay forty five units pa lamang umano ang aprubado at dalawampu’t lima pa lang ang iuuna.


Ang unang dalawampu’t limang (25) bagong modernong jeep na may rutang Sta. Maria – Asingan – Urdaneta – Dagupan, ay bibiyahe maghapon at may pagitan na tig – labing limang (15) minuto.

Para sa ilang mga residente ng Asingan pwede na mag dagdag ng pamasahe sakaling magbaba na ng bagong fare matrix ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 para sa biyahe ng mga modernized jeep basta ito ay ligtas at komportable.

Facebook Comments