Hindi haharangin ng Department of Health (DOH) ang pagbiyahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa China sa gitna ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 doon.
Ayon kay Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nasa Office of the President na ang desisyon kung itutuloy ng pangulo ang kaniyang biyahe.
Aniya, hindi dapat maging rason ang paglobo ng kaso ng COVID-19 para matigil sila sa paggawa ng kanilang mga tungkulin.
Importante rin aniya ang mga pagbisita ni Pangulong Marcos sa ibang bansa para sa ekonomiya ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Vergeire, naabisuhan na nila ang Office of the President tungkol sa sitwasyon ng virus sa China.
Ang mahalaga aniya ay bakunado na ang pangulo at ang kaniyang delegasyon kontra COVID-19 at sumusunod sa minimum public health standards upang mabawasan ang panganib ng hawaan.
Nakatakdang magtungo sa China sa January 3, 2023 si Pangulong Marcos.